Wednesday, January 27, 2010
Camarines Sur niyanig ng magnitude 6 na lindol
Ang lalawigan ng Camarines Sur kaninang bandang alas-2:28 ng madaling araw. Nakadama ng pagyanig na may lakas na magnitude 6.0 na umabot sa isang minuto ang lindol na nagsimula lamang sa mahinang pagyanig na naramdaman naman din sa lungsod ng Naga. Ayon kay Jaypee Fallarme ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Manila, naitala sa intensity 4 ang lindol na tectonic in origin. Ang epicenter nito ay nasa Virac sa islang probinsiya ng Catanduanes na may lalim na 10 kilometers sa ilalim ng lupa. Samantala, wala namang naiulat na nasaktan o nasira sa mga kagamitan sa lalawigan ng Camarines Sur.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment