Wednesday, September 2, 2009

Larrazabal, bagong Comelec Commissioner

Kinumpirma ngayon ng Malacañang na itinalaga ng Pangulong Arroyo ang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec)na si Atty. Gregorio Y. Larrazabal bilang pang-pitong commissioner para mapunan na ang vacancy sa komisyon.

Ayon kay Ermita, si Larrazabal ay kasalukuyang Comelec Regional Director sa Region 8 at siya rin ang Presidente ng Regional Directors’ League of the Philippines.

Siya ay 37-anyos pa lamang at maituturing umanong napaka-kwalipikado sa posisyon.

Ginawa ng Malacañang ang anunsyo halos walong buwan na lamang bago ang halalan.

No comments:

Post a Comment